KUNG hindi pa sa mapanuring pagtataos ng Commission on Audit (COA), hindi mabibisto ang Office of the Vice President (OVP) sa maling paggamit ng P500-million confidential funds.
Sa isang pulong-balitaan, partikular na tinukoy ni House prosecutor Rep. Joel Chua ang notice of disallowance na inilabas ng COA.
“The fact na nagkaroon ng notice of disallowance, ibig sabihin may problema na ‘yung paggamit,” ang tigas na sabi ni House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua sa pagdalo sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, Quezon City.
“So kadalasan ang susunod diyan, ipapabalik sayo yung pera,” dugtong ng mambabatas.
Para kay Chua, mas pinalakas ng COA audit findings ang isinampang Article 1 ng impeachment charges laban kay Vice President Sara Duterte hinggil sa “misuse” o maling paggamit ng kabuuang P612.5 million confidential funds.
Matatandaan na sa impeachment proceedings ng House Committee on Justice, kinumpirma ng COA ang notice of disallowance para sa P73 million in confidential funds na ginastos ng OVP noong 2022.
Mayroon din anilang notices of disallowance para sa dagdag na P375 million ng OVP confidential funds, na ginamit sa unang tatlong bahagi ng 2023.
Sinabi ni Chua sa laki ng kabuuang halagang nasilip ng COA, aabot sa kalahating bilyon ang dapat ibalik ni VP Sara sa kaban ng bayan — at mas lalong magkakaroon ng malaking katanungan kung galing ang huhugutin ng bise presidente ang isasauling pera.
Sa kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte, na isinumite ng Office of the Ombudsman sa Senate Impeachment Court, lumalabas na mula sa P7.5 million na idineklara net worth noong 2007 ay tumaas ito ng higit P88 million nitong 2024, subalit itong tinukoy na “cash on hand” at “cash in bank” mula 2019 hanggang 2024.
Kung titignan naman ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), si Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio ay nagkaroon ng kabuuang halaga na P6.7 billion na “covered” at “suspicious” bank transactions sa nakalipas na 20 taon.
