November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

MADUGONG GIYERA KONTRA DROGA, INAKO NI DUTERTE

SA halip na gumawa ng palusot, buong-tapang na inako ni former President Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa malawakang operasyon laban sa ilegal na kalakalan ng droga sa ilalim ng kanyang anim na taong termino bilang Pangulo ng bansa.

Sa unang araw ng pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee, nagpahayag din ng kahandaan si Duterte sa anumang parusa ng husgado — kung may magsasampa ng kaso.

Nanindigan din si Duterte na wala siyang dahilan para humingi ng dispensa lalo pa’t kapakanan ng bansa ang layon ng naturang programa.

While being firm that he will not apologize for his administration’s war on drugs, former President Rodrigo Duterte on Monday told a congressional hearing that he will take “full, legal” responsibility” on the matter. 

“I and I alone, take full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. Wag ang pulis na sumunod sa order ko. Kawawa naman, nagtatrabaho lang,” wika ni Duterte, kasabay ng giit na ginawa lang niya ang dapat.

“My mandate as President of the Republic was to protect the country and the Filipino people. Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do. Whether you believe it or not, I did for my country,” dugtong pa niya.

“The war on drugs is not about killing people. It is about protecting the innocent and the defenseless. The war on drugs is about the eradication of illegal substances such as shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs, and the like,” aniya pa.

Kabilin-bilinan pa niya di umano sa mga pulis na iwasan ang pang-aabuso — pero hindi rin aniya dapat padaig sa mga kriminal.

“At kung may baril, at kung sa tingin mo ay mamamatay ka, barilin mo. Barilin mo sa ulo. Patayin mo. At least one less criminal in the community. Yun ang utos ko when I was a fiscal and when I was a professor sa police academy.” 

Ayon kay Duterte, hindi niya kailanman tinuring na kriminal ang mga lulong sa droga. Katunayan aniya, tulong ang kailangan ng mga tinawag niyang biktima.

“No mistake about it, I hate drugs. I loathe the purveyors, the merchants, and the pushers of this demonizing element. I have not failed to emphasize this from the very day of the campaign when I ran for the presidency in 2016. This was my covenant to Filipinos who believed in me.” 

Batay sa datos ng Philippine National Police, nasa 6,200 indibidwal ang nasawi sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.