DARKNESS. A couple ate their dinner using candles as a source of light when Kidapawan City was struck with eight hours brownout starting this week. Beside Kidapawan City, the rest of Mindanao also suffer brownouts ranging from two to five hours a day. MindaNews photo by Geonarri Solmerano
ASAHAN ang kabi-kabilang rotational brownouts sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan bunsod ng patuloy na pagnipis ng reserbang supply ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa anunsyong inilabas ng NGCP, itinaas na rin alert status ang buong Luzon, Visayas at Mindanao Grid.
Sa Mindanao na nasa yellow alert status, pansamantalang mawawalan ng kuryente ang mga kabahayan at negosyo mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Itinaas naman sa red alert status ang Visayas mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 5:00 ng hapon at alas 6:00 ng ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.
Red alert status din ang ipinatutupad sa Luzon kung saan pinakamataas ang antas ng power consumption. Asahan ang tatlong ulit kada araw na rotational brownouts – mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon, pagsapit ng ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon at mula alas 4:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.
Paliwanag ng NGCP, isinailalim sa forced outage ang karamihan sa mga planta sa hangaring pagkasyahin ang limitadong power reserve.
Una nang nanawagan sa publiko ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan ng wastong paggamit ng kuryente bunsod ng limitadong supply.
