Ni ESTONG REYES
NAMAYAPA na si dating Senador Rene Augusto Verceluz Saguisag, kilalang human rights advocate sa panahon ng diktaduryang Marcos at nagtaguyod ng Free Legal Assistance Group (FLAG).
Sa isang pahayag kinumpima ng pamilya ang pagyao ng mambababatas na higit na kilala sa paninindigan laban sa batas militar na pinatupad ng ama ni Pangung Ferdinand Marcos Jr.
Gayunpaman, nakiusap ang mga naulila ni ni Saguisag bigyan muna sila ng konting panahon ng pribadong pagdadalamhati sa pagpanaw ng itinuturing na haligi ng makasaysayang People Power Revolution noong Pebrero 1986.
Nangako naman ang pamilya Saguisag na bubuksan sa publiko ang burol ng dating senador.
“It is with profound sadness that we announce the passing of our dear Papa and Lolo,” ayon sa pamilya na ipinost sa Facebook ng anak ni Saguisag, si lawyer Rebo Saguisag.
“We will soon announce details of the service honoring his life, and we look forward to the opportunity to gather and pay tribute to a life lived with integrity and purpose,” ayon sa pamilya.
Ayon sa batang Saguisag, mananatili sa kanilang puso at alaala ang inspirasyon na makapaglingkod para sa mas mahusay na pamumuhay.
“Papa/Lolo has passed on, but his spirit will continue to inspire us to strive for a more just world,” aniya.
Taong 1987 nang mahalal bilang senador si Saguisag — isang taon matapos pabagsakin ang diktaduryang Marcos.
Bilang senador, nagsilbi si Saguisag mula 1987 hanggang 1992 at naglingkod bilang chairman ng Senate Committee on Ethics and Privilege at Ad Hoc Committee on the Bataan Nuclear power plant.
Mula 1972, nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar o Martial Law, hanggang People Power Revolution noong 1986, nagsilbi si Saguisag bilang human rights lawyer.
Noong Enero 22, 1986, nagsilbi si Saguisag bilang tagapagsalita ng noo’y presidential candidate Cory Aquino.
“Rene Saguisag was a dedicated public servant, and his tireless endeavors as a human rights advocate, senator, and writer stand as a testament to his unwavering commitment to justice, truth, and democracy,” ayon sa pamilya.
