HINDI pa man nalulusutan ang kinakaharap na kasong nagbigay-daan sa pagka-aresto, muling naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Fourth Division laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Bukod sa arrest warrant, nag-isyu rin ang korte hold departure order (HDO) laban sa naturang senador.
Damat rin sa panibagong warrant at HDO si at dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder bunsod ng campaign donation noong nakalipas na taon.
Batay sa opisyal na warrant of arrest na nilagdaan ni Associate Justice Michael Frederick Musngi, chairperson ng Fourth Division, ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46.
Ang nasabing batas ay nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na tumanggap, at sa mga pribadong tao na magbigay, ng mga regalo sa anumang okasyon, kabilang ang Pasko.
Saklaw ng naturang batas ang mga regalo, o anumang benepisyong nakuha dahil sa impluwensyang kalakip ng pwesto sa gobyerno.
Gayunpaman, nilinaw ng Sandiganbayan na may piyansa para sa nasabing paglabag.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP General Hospital si Marcoleta bunsod ng “degenerative disc disease.”
