POSITIBO sa Covid-19 si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ayon sa Malacañang ngayon Martes.
Sa utos ng mga doktor, magkakaroon ng limang araw na isolation ang Pangulo, ayon pa sa Palasyo.
Sa kabila nito, kaya umano ng Pangulo na magtrabaho at magpapatuloy ang mga iskedyul na pulong sa pamamagitan ng teleconference.
Ihahayag ng Palasyo ang mga susunod na detalye sa kalusugan ng Pangulo.
Ngayong Kapaskuhan, hinimok ni Marcos ang publiko na magpabakuna at magsuot ng mask higit sa mga pampubliko at matataong lugar.
