PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi normal ang pagsipa sa presyo ng bigas at iba pang produktong agrikultura sa merkado sa kabila ng pinagsamang supply mula sa ani ng mga magsasaka at yaong inaangkat sa ibang bansa.
Kayan naman ang direktiba ni Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI), tugisin ang mga mapagsamantalang negosyanteng aniya’y lumilikha ng artificial shortage na karaniwang ginagamit na dahilan para kontrolin ang bentahan ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihang bayan.
“Rice supply is sufficient. Prices are, however, very variable. The government is working with the private sector to rationalize the prices and make available affordable rice in the market and in Kadiwa. The President will go after hoarders and price manipulators who take advantage of the lean months before harvest season,” ayon sa isang pahayag mula sa Presidential Communications Office (PCO).
Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA), naglalaro mula P38 hanggang P50 kada kilo ang bentahan ng bigas sa mga palengke.
Inatasan rin ng Pangulo ang dalawang kagawaran bantayan ang presyo ng bigas sa lahat ng sulok ng bansa.
Hindi rin nakalusot ang National Food Authority (NFA) na inatasan pagtuunan ang pagpapalakas ng local production – at hindi ang importation.
“The President instructed the agency to continue exploring other ways in prioritizing rice production other than importation, such as contract farming and other means that will guarantee an increase in the NFA’s volume production,” ani PCO Secretary Cheloy Garafil.
Sinegundahan naman ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian ang posisyon ng Pangulo.
Batay anila sa datos ng Philippine Statistics Authority, tujmaas sa 9 milyong metriko tonelada ang aning palay sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon – higit na mas mataas kumpara sa 8.7 milyong metriko toneladang naitala mula Enero hanggang Hunyo ng 2021 at 2022.
“The President also said the higher production figure is a big boost to the country’s rice supply which is sufficient until the end of the year even with the impact of Super Typhoon Egay,” dagdag ni Garafil.
“The PSA report is also higher than the PRISM (Philippine Rice Information System) estimate of 8.7 MMT (300,000 MT more) which the DA earlier used in its rice supply outlook,” aniya pa.
Sa pagtataya ni Sebastian, posibleng higit pa sa 20 milyong metriko tonelada ang anihin ng mga magsasaka para sa kasalukuyang taon – sa kabila pa ng mga pinsalang tinamo ng sektor ng agrikultura bunsod ng bagyong Egay at Falcon.
“In a special meeting, the private sector rice stakeholders also informed President Marcos that 300,000 metric tons of rice are coming in August. From January this year until the first week of August, 2.05 MMT of imported rice have already arrived in the country.”
Taliwas sa mga lumabas na ulat, tiniyak din ni Garafil na walang inaasahang rice shortage.