Teddyboy Locsin hinirang na sugo ng Pinas sa China
HINDI pa man nagtatagal sa pwesto Philippine Ambassador sa United Kingdom, hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin bilang special envoy ng Pilipinas sa bansang China.
Sa paghirang kay Locsin, inatasan ang dating DFA Secretary na mangasiwa sa ‘special concerns’ ng Pilipinas. Gayunpaman, walang ibang detalyeng inilabas ang Palasyo hinggil sa usaping saklaw ng ‘special concerns.’
Buwan ng Setyembre ng nakalipas na taon nang itaga ni Marcos si Locsin biang Philippine Ambassador sa United Kingdom na may hurisdiksyon sa mga bansang Ireland, Isle of Man, at Bailiwick of Jersey and Guernsey.
Dati rin nagsilbi si Locsin – isang dating peryodista –bilang permanent representative ng Pilipinas sa United Nations.
Paglilinaw ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, hindi inilipat ng pwesto si Locsin. Katunayan aniya, mananatili pa rin siyang embahador ng bansa sa UK.
Partikular na misyon ni Locsin – isulong ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila pa ng hidwaan sa West Philippine Sea.
Samantala, sinuportahan ng kaalyado ng Palasyo sa Senado ang paghirang kay Locsin bilang special envoy ng Pilipinas sa bansang China.
Paglalarawan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador Chiz Escudero, ‘perfect choice’ si Locsin para sa nasabing pwesto.
“Being a former DFA Secretary and the former Amb. to the United Nations, he has the expertise and experience in dealing with China. And he is extremely loyal to the cause of protecting the Sovereignty of our country as proven by the hundreds of diplomatic protests that he filed on behalf of our country during the Duterte presidency,” ayon kay Zubiri.
“His familiarity with the leaders of China, as well as their methods, is what makes him perfect for the job,” dagdag pa niya.
Pinuri din ni Escudero ang pagkakatalaga kay Locsin bilang special envoy for special concerns sa China – “Any action promoting dialogue between China and the Philippines is always most welcome.”
Para kay Escudero, ang paghirang ng special envoy sa China ay patunay lamang hangad ng administrasyon mabigyan solusyon ang hidwaan sa mapayapang paraan.
“[Locsin] is both competent and capable. But the most important qualification is that (by being chosen by [Marcos]) he enjoys the trust and confidence of the President who is the ‘chief architect’ of our country’s foreign policy.”