SA unang pagkakataon matapos ang 15 taon, magdiriwang ng Kapaskuhan si Mary Jane Veloso kasama ang pamilya sa labas ng piitan. Sa isang panayam sa Eastern Samar, kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa absolute pardon para sa dating migranteng manggagawang inaresto at sinampahan ng ng kasong drug trafficking sa Indonesia. “Pinirmahan ko na yung pardon niya kahapon,” maikling pahayag ni Marcos. Matapos ang paglilitis, pinatawan ng parusang kamatayan si Veloso — bagay na inalmahan ng pamahalaan sa panahon ng panunungkulan ni yumaong Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III. Pagkatapos ng mahabang negosasyon, ibinaba ng Indonesia ang hatol sa habambuhay na pagkakakulong. Subalit Disyembre 2024, tuluyang nakabalik sa Pilipinas ang dating OFW pero hindi para sa ganap na kalayaan. Agad na dinala si Veloso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sen. Legarda babalik sa Pinas sa Nobyembre Term extension ni Kap, pinirmahan ni Marcos