
KASABAY ng pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa mainit na pagtanggap kay Japanese Prime Minister Ishida Shigeru, muling tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang suporta sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan na itinuturing na kaalyado sa pagpapaunlad ng ekonomiya, depensa, at seguridad.
Martes ng hapon nang dumating sa bansa ang Japanese Prime Minister para sa dalawang-araw na opisyal na pagbisita sa Pilipinas.
Ayon kay Speaker Romualdez, kinikilala ng Kamara ang malaking papel ng Japan sa pagpapaunlad ng Pilipinas, bukod pa sa pagkakaroon ng economic security at national resilience ng bansa.
Kaya naman bilang namumuno sa naturang sangay ng lehislatura, binigyan-diin ng House Speaker ang kanyang matibay na pagsuporta para sa ibayong pagpapalakas ng Philippines-Japan partnership.
“At a time of rising global uncertainty, it is essential for like-minded nations to stand firmly together. We must protect the rules-based international order, uphold sovereignty, and drive forward a future of shared prosperity and peace… Japan is more than a close neighbor,” dagdag pa niya.
“It is a steadfast ally, a trusted friend, and a vital partner in our shared pursuit of peace, prosperity, and resilience. Our relationship is built on common values such as democracy, the rule of law, and the commitment to a free and open Indo-Pacific. It has been strengthened by decades of trust, respect and cooperation,” paggigiit din ni Speaker Romualdez.
Binanggit naman ng Leyte lawmaker ang bagong kasunduan na pirmahan ng dalawang bansa, partikular ang PH-Japan Reciprocal Access Agreement.
“It marks a new milestone in Philippine-Japan relations. It affirms our shared resolve to deepen defense, security, and strategic cooperation, ensuring that our nations remain strong amid growing regional challenges,” pagtukoy dito ni Speaker Romualdez.
“Japan’s impact on our economy is equally profound. Its investments in infrastructure, manufacturing, and clean energy have opened more opportunities for Filipinos, creating sustainable jobs and laying the foundation for future growth,” dugtong niya.
Sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang Mababang Kapulungan ay nakahanda na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa Japan.
“Together, we will champion initiatives that uplift our peoples and strengthen the enduring bond between our nations. Mabuhay ang matatag at makasaysayang pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan!” wika pa ni Speaker Romualdez. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)