KUMBINSIDO ang isa sa 11 House prosecutors na mabigat at sapat ang hawak na ebidensya para tuluyang mapatalsik sa pwesto si Vice President Sara Duterte.
“Without saying too much, I think we have enough evidence. We have, what we would say, I think it’s more than enough,” pahayag ni 1-RIDER partylist Rep. Rodge Gutierrez sa napipintong pagdinig ng senado sa impeachment case laban kay VP Sara.
Gayunpaman, nilinaw ng partylist congressman na mananatiling bukas ang hanay ng mga kongresistang bahagi ng prosekusyon sa pagtanggap ng karagdagang ebidensyang mas magdidiin sa pangalawang pangulo ng bansa.
“For as much as possible, you would like to establish, even if you have a strong case, any prosecutor would like to have an even stronger case,” wika ni Gutierrez.
Para kay Gutierrez, ang paglagda ng mahigit sa 200 kongresista para direktang maiakyat sa Senado ang articles of impeachment laban kay Duterte-Carpio ay matibay na basehan na malakas ang asuntong inihain sa huli.
“I think that speaks volumes of the confidence that the House has in the evidence that would back these articles po,” dagdag ng mambabatas.
Ani ni Gutierrez, mahalaga pa rin ang masusing paghahanda ng prosecution team sa mga ilalatag na ebidensya, kasabay ng pangakong pananagutin si Duterte para hindi na muling “maghasik ng lagim” sa gobyerno.
“You don’t stop po just because you know that you have enough evidence. The power of subpoena, nandyan rin po yan sa impeachment court. So I’m pretty sure that the prosecution team will be open to all of these additional avenues to secure even more evidence po,” pahabol ng partylist solon. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
