SA ilalim ng bagong pamunuan sa Department of Transportation (DOTr), isa-isa nang sumisingaw ang mga “kababalaghan” sa iba’t ibang kawanihan – kabilang ang pera-perang modus sa likod ng pagkuha ng lisensya sa Land Transportation Office (LTO).
Sa isang kalatas, ibinahagi ni LTO chief Vigor Mendoza ang isinasagawang imbestigasyon sa 160 accredited medical clinics na naglalabas umano ng medical certificate kahit walang pagsusuri sa pasyente.
Ayon kay Mendoza II, sinimulan na ng kawanihan sa susunod na linggo padalan ng “show-cause order” sa mga klinikang nagsasagawa ng ‘non-appearance issuance’ ng medical certificate sa susunod na linggo.
“It’s very clear that even if you do not undergo checkup in these clinics [and] just as long as you’re willing to pay, you will be issued medical certificates. This is not right and we ensure that we will go after them,” pahayag ni Mendoza.
Para kay Mendoza, hindi dapat balewalain ang medical certificate na aniya’y ginagamit na batayan para alamin kung nasa mabuting kalusugan at pangangatawan ang mga nagnanais sumabak at magmaneho sa lansangan.(LILY REYES)
