NI JIMMYLYN VELASCO
Sa gitna ng walang humpay na pamumudmod ng ayuda ng gobyerno, malaking bahagi pa rin ng populasyon ng bansa ang kumbinsidong sila’y sadlak sa kahirapan.
Batay sa pinakabagong resulta ng survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) mula Abril 23 hanggang 28 ng kasalukuyang taon, nasa 50 porsyento ng mga respondents ang naniniwalang pasok sila sa kategorya ng maralita.
Pinakamataas ang self-rated poverty sa Visayas na nasa 67%, habang pinakamababa naman ito sa Metro Manila na 33%.
Samantala, 8% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila’y nasa “borderline” — alanganing “poor” at “not poor,” habang 42% naman ang todo tanggi sa pagiging pobre.
