
HINDI pa man nag-iinit sa pwesto, agad na nagpakitang-gilas ang tumatayong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagdakip sa hindi bababa sa 1,000 wanted sa nakalipas na buwan.
Bukod sa mga indibidwal na may nakabinbin warrant of arrest, ibinida rin ni CIDG officer-in-charge Col. Ranie Hachuela ang pagsamsam sa 99 na armas at 41 pampasabog sa ilalim ng Oplan Pagtugis at Oplan Salikop.
Kasama rin sa mga nakumpiska sa 937 police operation ang 732 assorted magazines, 1,064 rounds ng mga bala at P171-milyon halaga ng mga ebidensya.
Samantala, nasa 158 kaso ang isinampa ng CIDG sa piskalya laban sa mga arestadong suspek. (EDWIN MORENO)