
Bureau of Internal Revenue (BIR), led by deputy commissioner Jun Lumagui, raids a warehouse in Tondo Manila on November 4, 2022, confiscating thousand units of vapes from alleged illegal vape traders not complying with excise tax payments. Lumagi said that the government is losing some P1.4 billion in revenue due to the trade of illicit vapes...MANNY PALMERO
“HINDI natin tinitigilan ang kampanya natin laban sa illicit trade.”
Ito ang tahasang sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. kasabay ng kanyang mahigpit na babala sa lahat ng may kaugnayan sa pagbebenta ng ilegal na vape products ay mahaharap sa kaukulang kaso at mabigat na parusa.
Patunay dito, ani Lumagui, ang pormal na pagsasampa ng nasa P8.7 billion tax evasion charges laban sa importers ng vape products, partikular ang mga brand na Flava, Flare, at Denkat.
“The case, filed before the Department of Justice, involves tax deficiencies amounting to ₱8.68 billion. The charges include unlawful possession of vape products without payment of excise tax, tax evasion, and failure to file excise tax returns,” ayon pa sa BIR chief.
“Patuloy pa rin ang gagawin nating pagsampa ng mga kaso sa mga mahuhuli natin na nagbebenta pa rin ng vape products na hindi bayad ang buwis,” dagdag ni Lumagui.
Nauna rito, sa mas pinaigting na kampanya ng BIR ay nagawa nitong makakumpiska at kalaunan ay winasak na smuggled vape products, na aabot sa halaga ₱3.26 billion worth of contraband in coordination with the Bureau of Customs.
Babala ni Lumagui, bukod sa mga nagbebenta, kakasuhan din nila maging ang mga endorser ng ‘untaxed vape products’.
“Lahat ng konektado sa pagbebenta ng vape––dahil illegal nga ang pagbebenta or mere possession ng mga vape products na hindi bayad ng excise tax––ay considered unlawful at may violation under the tax code. So lahat ng mga involved sa pagbebenta ng vape products ay madadamay sa kasong tax evasion,” mariing pahayag pa niya.
“Kaya naman paalala po natin sa mga mage-endorso at sa magiging involved dito sa mga vape products… siguraduhin natin na ang vape products natin ay registrado at nagbabayad ng karampatang buwis. Nakatala yan sa ating website kung ano-ano mga brands ang allowed magbenta dahil registrado at bayad ang buwis,” dugtong ni Lumagui.
Simula nang ipatupad ng BIR ang vape stamp system nito noong Hunyo taong 2024 at pagkaroon din ng mahigpit na koordinasyon sa Department of Trade and Industry, ay naitala ang P942 million collections sa loob lamang ng anim na buwang implementasyon ng nasabing sistema.
“In 2023, only 11.2 million milliliters were removed or charged ₱223.75 million in excise taxes. That figure jumped to 130 million milliliters and ₱942 million in collections just six months after the stamping system was put in place,” paglalahad ni Lumagui.