SA halip na ligtas na masisilungan, nakatakdang bigyan ng ID ng pamahalaan ang mga mamamayang sa lansangan naninirahan.
Sa ilalim ng tinawag na ‘Opan Pag-abot,’ gagalugarin di umano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga lansangan para magpamahagi ng ID cards sa mga street dwellers na isasailalim rin sa biometric registration sa hangaring mapangalagaan ang kanilang kalagayan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, higit na angkop na matukoy muna ng departamento ang eksaktong bilang at kinalalagyan ng mga street dwellers upang matiyak na mahahatiran ng tulong mula sa pamahalaan.
Karaniwan rin aniyang hindi nakakakuha ang angkop na serbisyo at iba pang biyaya ang mga street dwellers bunsod ng kawalan ng patunay ng pagkakakilanlan.
Paglilinaw ni Gatchalian, hindi pasok sa kategorya ng ‘government-issued ID’ ang kanilang ipmamahaging ID na para lamang aniya lumikha ng database na gagamitin ng DSWD sa kanilang mga programa.