WALA sa bokabularyo ng grupo ng mga panadero ang agarang pagtaas ng presyo ng tinapay sa kabila ng krisis na dulot ng giyera sa Middle East.
Sa isang panayam, tiniyak ni Lucito Chavez na tumatayong pangulo ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP), na ginagawan ng paraan ng mga panadero panatilihin ang presyo ng tinapay para na rin sa kapakanan ng mga Pilipino.
Panawagan ni Chavez sa publiko, walang dahilan para magpanic-buying.
“Ngunit sa sandaling maapektuhan na po ang kalidad ng aming mga produkto, we may need to adjust prices responsibly,” giit ni Chavez.
Aminado naman si Chavez na ramdam ng industriya ang krisis sa pandaigdigang ekonomiya.
Naglalaro ang presyo ng bawat piraso ng pandesal mula P2.00 hanggang P5.00 sa mga community bakeries. Samantala, wala pang inaasahang paggalaw sa presyo ng Pinoy Tasty na nasa P44.00 sa mga supermarket.
