WALANG dahilan para mangamba ang mga Pinoy seafarers sa nalalapit na “expiration” ng kani-kanilang mga sertipikong gamit sa pagtatrabaho, ayon sa Maritime Industry Authority (Marina).
Sa inilabas na Advisory 2026-13, partikular na tinugunan ang agam-agam ng mga seaman na may paso (o mapapaso pa lang) na Certificate of Competency (COC) at Certificate of Proficiency (COP) sa gitna ng tumitinding sitwasyon sa Middle East.
Ayon sa Marina, pinalawig ng tatlong buwan ang ng mga naturang sertipikong gamit ng mga Pinoy seafarers sa tinatawag na “crew change operations.”
Saklaw ng abiso ang mga seafarer na kasalukuyang nasa barko at hindi makababa dahil sa krisis sa Middle East.
Inatasan din ng MARINA ang mga shipping company, shipowner at licensed manning agency na magsumite ng kaukulang dokumento bilang patunay na hindi nakababa ang mga apektadong marino.
Layunin ng hakbang na matiyak ang ligtas na operasyon ng mga barko habang isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga Pilipinong seafarer sa apektadong rehiyon.
