KUNG pagbabatayan ang resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group, mas maraming Pinoy na ang interesado sa kaganapan ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Batay sa July 2026 survey ng OCTA, lumalabas na seryosong tinututukan ng sambayanang Filipino ang Senate impeachment trial sa mga kasong isinampa laban sa pangalawang pangulo.
Para kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong may malinaw na indikasyon na mulat na ang taumbayan sa mga paratang na kinakaharap ng bise presidente.
Base sa datos ng OCTA, 43 percent ng mga Pinoy na nasa hustong gulang ang naniniwalang bribery ang “most serious impeachment allegation” kay Duterte, habang 28 percent naman ang naniniwalang ang may kinalaman sa maling paggamit ng confidential funds. Nasa 10 porsyento naman ang nakatutok sa unexplained wealth at grave threats charges ni Sara.
“This tells us that Filipinos are looking closely at the charges and weighing them carefully. They want the facts, and they want the evidence to be heard,” giit ng Lanao del Sur lawmaker.
“The Constitution provides a process for determining the truth. The prosecution will continue presenting its evidence, and we trust the impeachment court to decide the case based on the facts,” dagdag niya.
Ayon kay Alonto-Adiong, ipinakikita rin sa survey ang kahalagahang matapos ng Senate impeachment court ang mandatong litisin ang nasasakdal at hindi mahadlangan ng anumang panggugulo at paglilihis sa tunay na isyu.
Samantala, ipinunto ni Alonto Adiong na bagama’t ang bribery allegation ang siyang pangunahing tinututukan sa buong bansa, lumalabas sa survey na ang misuse of confidential funds ang siyang pinakamataas sa ilang rehiyon, kaya naman patunay nito na maraming nakatutok sa lahat ng impeachment complaints sa bise presidente.
“The message from the public is clear. Let the evidence speak, let the process continue, and let accountability prevail.”
