SA kabila ng pagbasura sa hirit ng Ombudsman na tanggalin si dating DPWH
Secretary sa kasong plunder, handa pa rin ang dating Kalihim idiin si former Senator Bong Revilla sa kasong malversation.
Sa ginanap na pagdinig, hiniling ni Ombudsman Deputy Special Prosecutor Omar Sagadal sa korte na maglabas ng subpoena ad testificandum para sa pagharap ni Bonoan bilang testigo sa Agosto 12.
Pinaboran naman ni Associate Justice Ronald Moreno ng Sandiganbayan Third Division ang hirit ng Office of the Ombudsman, matapos ang pagharap ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa kasong isinampa laban kay Revilla.
Giit ni Bernardo, humingi si Revilla ng 25 percent kickback kaugnay ng isang “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 milyon.
Makailang ulit nang itinanggi ni Revilla ang paratang.
