NAKATAKDANG palitan ni Presidential Communications Office (PCO) Sec Dave Gomez halos lahat ng opisyales — kabilang ang mga Undersecretaries, Assistant Secretaries at hepe ng mga tanggapan sa ilalim ng naturang kagawaran.
Gayunpaman, hindi kasama si Undersecretary Claire Castro na mananatili bilang Palace Press Officer, ayon kay Gomez dalawang linggo matapos obligahin magpasa ng courtesy resignation ang lahat ng opisyales sa ilalim ng PCO.
“Yes, this is confirmed. She is doing a fine job!”
Paglilinaw ni Gomez, wala pang kapalit ang mga tinanggal sa pwesto baga at meron na aniyang napipisil irekomenda sa pangulo.
