SA hangaring di na madagdagan ang artificial islands na ginawa ng China sa karagatang pasok sa teritoryo ng Pilipinas, dinispatsa ng Armed Forces of the Philippines ang barkong pandigma ng Philippine Navy sa Escoda Shoal na 120 kilometro lang ang layo mula sa Palawan.
Sa isang panayam, nilinaw naman ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, na hindi bakbakan ang pakay ng naval warship na aniya’y inatasan magdokumento ng anumang kaganapan sa naturang bahagi ng West Philippine Sea.
“The Navy has increased its patrols in Sabina Shoal. For the past good number of days, we have had one warship stationed in the area. This is to ensure that whoever is doing that, whoever is piling up dead corals in Sabina Shoal, we will be able to expose their activities,” wika ni Trinidad.

Sa ngayon aniya, wala pa naman di umanong nakikitang reclamation activity na unang ibinunyag ng Philippine Coast Guard.
“So far, none… the approach here is to show the world that we are a responsible player following international law,” dagdag ni Trinidad kasabay ng giit na nais lamang tiyakin ng pamahalaan na di pigilan ang China na muling gumawa ng artificial island sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
“We will do everything to ensure that Sabina and all other features within our EEZ will remain under Philippine sovereignty and sovereign rights,” aniya pa.
Batay sa pinakahuling bilang, pito na ang nagawang artificial island ng China. Sa naturang bilang isa ang nagsisilbi na ngayon bilang base militar ng China.
