Ni Estong Reyes
PINALAGAN ni Senador Grace Poe ang ipinatutupad na rotational brownout ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi nalulutas ang kawalan nang sapat na suplay ng kuryente sa Panay Island.
Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services na habang maiiwasan ng rotational brownout ang panibagong domino effect sa plant tripping at pagbagsak ng grid, kailangan natin ang mas pro-aktibong tindig mula sa nag-iisang power transmission operator.
“We reiterate our call for NGCP to expedite the completion of the Cebu-Panay-Negros project and all other power transmission projects. Delay is a denial of public service,” ayon kay Poe.
Sinabi ni Poe na hangga’t may delay, walang seguridad ang suplay ng kuryente hindi lamang sa Panay, kundi sa buong bansa.
“Dumagdag pa sa problema ang kakulangan sa periodic maintenance ng mga power plants. Palm Concepcion Power Corporation’s failure to conduct plant maintenance as scheduled in August 2023 had a negative effect not only to its operations but to the entire power supply in Panay,” ayon kay Poe.
Hiniling din ni Poe sa Energy Regulatory Commission na muling suriin ang limitadong visitational powers ng NGCP. “This effectively prevents proper monitoring of the plants.”
“A responsible power transmission operator should pursue long-term solutions and not knee-jerk responses. All power providers and regulatory agencies must work together overtime to restore integrity of the grid,” ayon kay Poe.
“The public should be given a definite timeline as to how long this power crisis will be. Lalo na sa mga taga Panay kung nasaan ang mga pinaka-problemadong power suplay sa bansa,” dagdag ng senadora.
‘TUTA’ NI ROMUALDEZ SINOPLA NI CHIZ SA CHACHA: LOOK WHO’S TALKING?
Ni Estong Reyes
MATINDING inupakan ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang isang mahigpit na kaalyado ni House Speaker Martin Romualdez sa hamon nitong ideklara ng senador ang kanilang posisyon sa pag-aamyenda sa 1987 Constitution.
Naunang itinanggi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na wala silang kinalaman sa isinusulong ng pekeng peoples’ initiative na kamalaunan, inamin na sila ang nasa likod nito, na siyang ikinairita ni Escudero.
“Look who’s talking,” tugon ni Escudero kay Dalipe.
Sa halip na tugunan ang hamon ni Dalipe, ibinalik ni Escudero ang hamon na sila ang umamin sa publiko na House of Representatives ang nasa likod ng signature campaign sa pekeng peoples’ initiative upang amendahan ang Saligang Batas.
“Why don’t they come out in the open, be accountable and admit to the public that they are truly the ones behind this pekeng People’s Initiative instead of doing a striptease?” tanong ni Escudero.
Sinabi ni Escudero na noong una, “sinasabi ng l.iderato ng Mababang Kapulungan sa pamumuno ni Romualdez na ‘wala kaming kinalaman dyan’ then, sumunod na sinasabi na sila ay ‘facilitator but not orchestrator…’ and now, they have the nerve to say ‘titigil namin ang PI kapag ipinasa nila ang RBH6.’”
“It would bode well for them to heed their own Speaker’s words when he quoted the saying ‘People who live in glass houses shouldn’t throw stones,’” ayon kay Escudero.
Aniya, ilalantad ng bawat senador ang kanilang posisyon sa charter change sa tamang panahon, na hindi dapat idinadaan sa hamon ng isang kongresistang naunang nagsinungaling sa peoples initiative.
“At present, the Sub-Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, which is tackling the Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) that seeks to review the economic provisions of the 37-year-old Constitution, has just started its public hearing,” ayon kay Escudero.
Sa ginanap na unang pagdinig nitong Lunes, Pebrero 5, hinamon ng ilang senador ang nagsusulong ng charter change na maglatag ng matitibay na datos upang depensahan ang kanilang argumento na kailangan rebisahin ang Saligang Batas sa halip na iligaw sa opinion bilang katotohanan.
“Sinasabi nila kailangan nang amyendahan ang ating Saligang Batas dahil obsolete na ang ilan sa mga economic provisions dito at dahil diyan ay nagdadalawang-isip ang mga foreign investors na magnegosyo dito sa atin,” ayon kay Escudero. “Pero wala naman silang maipakitang datos o surveys na magpapatunay na ito ang sentimiyento ng mga negosyante at ng mamamayang Pilipino.”
Kasabay nito,inilatag naman ng komokontra sa charter change ang kanilang kaso gamit ang “rock hard facts” at well-researched studies sa committee hearing na pinangunahan ni Senator Sonny Angara.
“To make their arguments credible, those advocating for Charter change at this time should present before the Senate committee credible data at hindi lang mga sabi-sabi,” giit niya.
“Sabi nila, gusto ng business community ang pag-amyenda sa mga economic provisions. Asan ang patunay?,” dagdag ni Escudero.
Gatchalian: Pang-aabuso ng mga kabataan gamit ang AI dapat sugpuin
SA gitna ng pagdiriwang ng National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse ngayong ikalawang linggo ng Pebrero, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na sugpuin ang banta ng artificial intelligence (AI) na siyang nagpapalala ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa.
Kasunod ito ng babala ni Council for the Welfare of Children (CWC) Undersecretary Angelo Tapales dahil sa may mga bagong uri na ng mga predators at laganap na rin ang pagkalat ng mga litrato ng mga kabataan na binago gamit ang AI. Bagama’t may ibang bansang nag-ulat na ng mga kaso ng pang-aabuso ng mga bata gamit ang AI, hindi pa nakakatanggap ang Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center ng ganitong mga ulat.
“Habang patuloy na nagiging moderno ang teknolohiya, nakaka-alarmang patuloy din na nakakahanap ng mga makabagong paraan ang mga nais mang abuso ng ating mga kabataan. Mahalagang tugunan natin ang mga bantang ito at tiyaking sino mang gumagamit sa internet o teknolohiya upang abusuhin ang ating mga kabataan ay mananagot sa batas,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.
May dalawang mahahalagang batas para sa pagsugpo ng OSAEC: ang Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act (Republic Act No. 11930) at ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 (Republic Act No. 11862). Upang ipatupad ang mga batas na ito, P30 milyon ang inilaan sa ilalim ng 2024 national budget para sa Anti-Trafficking in Persons Enforcement.
“Nananawagan din ako sa ating mga magulang na bantayan nang maigi ang kanilang mga anak pagdating sa paggamit ng mga gadgets, lalo na’t maaaring maging daan ito upang makuha ang kanilang mga larawan at magamit sa iba’t ibang paraan ng karahasan at pang-aabuso,” dagdag na pahayag ng senador.
Sa isang pagdinig sa panukalang 2024 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT), lumalabas na ang Pilipinas ang pangalawang may pinakamaraming kaso ng OSAEC sa mundo. Sa parehong pagdinig, nanawagan si Gatchalian ng pinaigting na bilateral relationships sa ibang bansa upang mapalakas ang koordinasyon at komunikasyon sa pagsugpo ng OSAEC.
