NAGBIGAY ng maagang paalala si former Davao Representative at Civil Service Commission Chair Karlo Nograles sa mga Davaoeño bilang paghahanda sa Yuletide season – huwag na muna magmaneho pag nakainom na ng alak.
“Keep safe, don’t drink and drive,”sambit ni Nograles kasabay ng panawagan ikonsidera ang ang alternatibong transportasyon para matiyak ang kaligtasan sa lansangan at maiwasan ang disgrasya sa pinakamasayang bahagi ng taon.
“This should be automatic for everyone by now. But it’s worth repeating: kung iinom ka, wag kang magmaneho. You can also ask someone to pick you up or use other transport services to get home safely. Mag taxi ka, trike, o Grab. There are many ways to avoid risking your life and the lives of others,” dugtong ng dating kongresista.
Bagamat bahagi ng panahon ng kapaskuhan ang pagsasaya at pagsasama-sama, higit na angkop maging responsable sa selebrasyon.
“Di natin maiwasan na magpakasaya at uminom tuwing Pasko, pero pwede naman natin maiwasan ang aksidente.”
Ani Nograles, mayroong malawak na public transportation options ang Davao City, kabilang ang halos 8,000 jeepneys, higit sa 5,000 taxis, at tinatayang 2,500 tricycles, at daan-daang bus at passenger van.
Sa kabila nito, nanawagan si Nograles na pagbutihin pa ang mga hakbang para sa ligtas na pagbiyahe at sapat na pampublikong transportasyon.
“We should explore solutions that decongest our roads and enhance the overall commuting experience,” aniya pa.
Nagpahayag ang longtime public servant ngkahandaan na makipagtulungan sa operator ng ride-hailing apps at motorcycle taxis operators para maging bahagi ng transport system ng Davao, na aniya’y magbibigay din ng malaking kapakinabangan para sa mga mamamayan ng lungsod.
“The viability of motorcycle taxis is worth studying. Other cities have successfully integrated motorcycle taxis into their transportation environment. It’s time to evaluate if these options could benefit Davaoeños by offering more convenient and diverse choices. Pagnakita natin na makakatulong ang mga ito, we can work with the LTFRB and other transportation stakeholders to make it work,” paliwanag ng abogadong si Nograles.
Ang pagkakaroon ng ligtas na lansangan ay higit pa aniya sa pagiging responsable ng bawat isang gumagamit nito. Punto niya, ang lokal na pamahalaan ay dapat magkaroon ng proactive approach sa hamon ng public transportation lalo tuwing holiday season.
“A service-oriented City Hall should be ready to act anytime—not just during peak seasons. This means having 24/7 emergency response systems for road accidents, deploying additional traffic personnel, and implementing measures to keep our roads safe and efficient year-round.”
Pagtatapos ni Nograles, mahalaga ang pag-iral ng responsive governance, at karapat-dapat din ang bawat Davaoeños na magkaroon ng lokal na pamahalaan na kanilang nakikita, naririnig at nararamdaman.
“A local government they can see, hear, and feel—one that actively addresses their needs, especially when it comes to safety and mobility.”
