
NAKATAKDANG magpataw ng panibagong oil price hike and mga kumpanya ng langis sa ika-limang magkakasunod na linggo bunsod ng patuloy na pagbabawas sa produksyon ng mga bansang Saudi Arabia at Russia.
Pinakamalaki ang inaasahang dagdag-presyo sa diesel – P4.00 kada litro. Tataas naman ng P2.70 kada litro ang bentahan ng kerosene habang 50 sentimos naman sa gasolina.
Babala ni Jetti Petroleum president Leo Bellas, magpapatuloy ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo, bagamat hindi naman aniya aabot sa antas na naitala noong nakaraang taon kung saan pumalo sa mahigit P90 ang presyo ng diesel sa merkado.
“Medyo tataas pa po ‘yan pero hindi naman po nakikita na lalampas o aabot sa katulad ng dati nung last year,” dagdag ni Bellas.
Wala pang pahayag ang mga public transport groups hinggil sa umento sa diesel na karaniwang gamit ng mga pampasadang jeep at bus.