MALIWANAG na sunud-sunuran lang sa pangalawang pangulo ang ang special disbursing officer ng Office of the Vice President– sukdulang labagin ang umiiral na reglamento sa gobyerno.

Ito mahigpit na tinuran ni House prosecutor Manila Rep. Joel Chua bilang paglalarawan kay former Office of the Vice President (OVP) special disbursing officer (SDO) Gina Acosta matapos na aminin ng huli na ibinigay ang P500 million confidential funds sa isang non-bonded security officer dahil na rin sa utos ni Vice President Sara Z. Duterte.

“Sa buong Pilipinas, ngayon lang tayo nakasaksi ng isang SDO na walang alam kung paano disburse ang confidential fund,” dagdag pa ng Manila solon.

“At hindi basta-basta ito confidential fund. Dahil ang pinag-uusapan natin dito ay kalahating bilyong confidential fund sa OVP,” pagbibigay-diin pa ni Chua.

Sa pagsalang sa redirect examination, tinanong ni House prosecution counsel Amando Virgil Ligutan ang kuwalipikasyon ni Acosta sa pagkuha dito ni Duterte bilang SDO simunla noong ang huli ay Davao City mayor hanggang sa maging vice president.

“Hindi ko alam po, Your Honor, kung bakit ako po ang kinuha ng Vice Presidente as SDO,” ang tugon ni Acosta, na isang Customs Administration graduate ng MATS College of Technology, na umamin ding wala siyang training o background sa confidential operations.

“Basta ako, ginagawa ko lang, Your Honor, ang aking pagiging SDO, Your Honor,” dugtong niya.

Tahasang sinabi ni Acosta na ang pagbibigay niya ng milyones na cash advances mula sa confidential funds ng OVP kay Col. Raymund Dante Lachica, head ng security ni Duterte, ay batay sa utos sa kanya ng huli.

Aminado rin ang lady SDO na bilang accountable officer para sa OVP confidential funds ay maaari siyang makasuhan at mabilanggo sa labag sa pununtunan sa paggamit ng public funds, kasama na ang P500 million confidential funds.

Sinabi rin ni Acosta na wala siyang personal knowledge sa kung paaano ginamit ni Lachica ang naturang pondo at sa pagsusumite niya ng liquidation report ay ibinigay lamang niya sa mga dokumentong isinumite sa kanya ng Army officer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *