![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/12/adb12121.webp)
GAGAMITIN ng Pilipinas ang bagong $200 milyon o P11 bilyong uutangin sa Asian Development Bank (ADB) sa pagpapatayo ng public infrastructure na climate-resilient at low carbon.
Ayon sa ADB, ang $200 milyong pautang ay pangalawang karagdagang financing para sa Infrastructure Preparation and Innovation Facility na gagamitin upang suportahan ang paghahanda ng mga komplikado at kritikal na proyekto tulad ng mga kalye, tulay, transport, at flood risk management projects na tinukoy ng pamahalaan bilang flagship projects.
Inihayag pa ng ADB na ang pagpayag nito sa bagong pautang, dalawang araw matapos ianunsyo ang $450 milyon o P24.75 bilyon pautang para naman sa healthcare ng bansa.
Tutulungan ng ADB na palakasin ang kakayahan ng Department of Transportation at Department of Public Works and Highways sa pagsasagawa ng malalaki at komplikadong infrastructure projects.
Sinuportahan na ng ADB ang pamahalaan sa paghahanda at pagpaplano ng $40 bilyong infrastructure investments. Ngayon may $1.5 milyong technical assistance grant itong kasama upang palakasin ang regulasyon at patakaran para maging maganda ang plano sa mga proyektong may kinalaman sa climate change.