
Ni Ernie Reyes
NAIS paiimbestigahan ni Senador Risa Hontiveros ang multi-milyong confidential funds kada taon na nakukuha ni dating Mayor, ngayong Vice President Sara Duterte sa Davao City.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na dapat paiimbestigahan ang napaulat na P460 milyong confidential funds ni Duterte kada taon nang magsilbi itong alkalde ng Davao City mula 2019 hanggang 2022.
“As shown in Commission on Audit (COA) findings…Nakakalula ang halos kalahating bilyong confidential funds ng Davao City kada taon, kung ikukumpara sa CIFs ng mga malaki at mayamang lungsod gaya ng Makati, Manila at Cebu na hindi man lang umabot sa P100 million,” ayon kay Hontiveros.
Habang nagpapahayag ng pagkadismaya ang mambabatas, hinikayat nito ang lokal at pambansang pamahalaan na magtakda ng malinaw na proseso at limitasyon sa paggamit ng confidential and intelligence funds (CIFs).
“The 1987 Constitution empowers local government units (LGUs) with fiscal autonomy, and LGUs are mandated to ensure peace and order within their jurisdictions. However, there should be a reasonable threshold on the amount that LGUs – like national agencies- may allocate as CIFs, to promote accountability and transparency,” ayon kay Hontiveros said
“Ano ang meron sa Davao City at mas malaki pa ang CIF nila kumpara sa ibang national agencies gaya ng Philippine Coast Guard?” giit niya.
“While Davao City faces existing security challenges, are these challenges really so much worse than China’s incursions and abuses in our territorial waters? Inaagaw na rin ba ng Tsina ang teritoryo nila tulad sa West Philippine Sea?” dagdag ng senadora.
Umaasa si Hontiveros na uungkatin ng Senado ang naturang isyu sa pagtalakay ng pambansang badyet ng 2024 sa plenaryo.
Naunang pinaimbestigahan ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro urged COA ang napaulat na P2.697 billion confidential fund ng Davao nang magsilbi si Duterte bilang mayor mula 2016 hanggang 2022.