HIGIT na angkop ang kooperasyon ng mga bansa sa timog-silangang Asya sa panahon ng delubyo.
Ito ang buod ng panawagan ni House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng sinapit ng mga mamamayan mula sa bansang Myanmar at Thailand na binayo ng mapaminsalang 7.7 magnitude na lindol.
Sa isang pahayag, nagpahayag ng pakikidalamhati ang pamunuan ng Kamara sa mga mamamayan ng Myanmar at Thailand, kasabay diin sa kahalagahan ng panrehiyong kooperasyon sa panahon ng mga matitinding kalamidad.
“We are deeply saddened by the tragic events unfolding in Myanmar and Thailand. On behalf of the House of Representatives, we extend our heartfelt condolences to the families who lost their loved ones and those who continue to suffer in the aftermath,” wika ni Romualdez.
“We feel the weight of your sorrow, and across the seas, your suffering echoes in the hearts of every Filipino. In this moment of great hardship, we extend not only our deepest sympathies, but also our steadfast support. The Philippines, as a brother in the ASEAN family, stands ready to help in any way we can,” dugtong ng Leyte lawmaker.
“We are bound not just by geography, but by a shared spirit of resilience and humanity. And in that spirit, we will stand beside you—as neighbors, as friends, as one community. May strength and hope find their way into your hearts. And may we all continue to lift Myanmar and Thailand in our prayers,” sambit din niya.
Bandang hapon noong Biyernes, Marso 28 nang yanigin ang Mandalay, na siyang 2nd largest city ng Myanmar, kung saan 1,600 katao ang napaulat na nasawi, marami rin ang nasugatan at nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga imprastraktura.
Samantala, 10 katao ang sinasabing nasawi sa Bangkok, Thailand,.
Pagtitiyak ni Romualdez sa dalawang bansa at maging sa mga Pinoy na naninirahan doon, nakahanda ang administrasyong Marcos at Kamara sa pagbibigay ng agarang tulong bilang katuparan sa pangako ng Pilipinas na umasiste sa mga kalapit bansa sa panahon ng pangangailangan.
Hinikayat niya ang mga mambabatas na aktibong bumuo ng panukala para mapalakas ang kahandaan at mapatatag ang disaster resilience sa lahat mg rehiyon kasabay ng pagbibigay diin kahalagahan ng pagtutulungan sa panahon ng kalamidad.
“Our shared vulnerabilities require collective action. The recent calamity reaffirms the urgent need for stronger regional collaboration to better manage disasters and minimize loss of life,” giit ni Romualdez.
Kinilala naman ng lider ng Kamara ang pagsisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DoH), na mabilis na kumilos para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Myanmar at Thailand habang inihahanda rin ang tulong sa mga apektadong komunidad. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
