SA bisa ng isang executive order, inalis sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang ahensyang nakatutok sa mga maralita. Batay sa Executive Order 123 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, ganap nang inilipat sa Office of the President ang pangangasiwa ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Anti-Poverty Commission (NAPC). Paliwanag ng Malacañang, higit na nababagay sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PCUP at NAPC na kapwa may mandatong pasok sa poverty reduction at urban development na isinusulong ng administrasyon. Pinawalambisa na rin ng naturang kautusan ang Executive Order 67 na nilagdaan ni former President Rodrigo Duterte noong taong 2018. Sa ilalim ng EO 67 ni Duterte, ibinigay sa DSWd ang “administrative supervision” sa mga naturang komisyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 28 testigo vs. Romualdez, ibinida ng Ombudsman P10K dagdag-sahod, hirit para sa mga guro