HIGIT na mabibigyan ng linaw ang katiwalian sa tanggapan ng pangalawang pangulo kung isasailalim sa audit trial ang pamamahagi ng ayuda ng Office of the Vice President (OVP).

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni former Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, na tumatayong tagapayo at tagapagsalita ng prosekusyon, ang red flag na nabuking ng Commission on Audit (COA) sa paggamit ng P168 million operations fund na inilaan ng Kongreso sa OVP

Pinuna rin ni Barbersang aniya’y pagiging suki ng OVP sa kuwestyunableng paggamit ng huli pondong mula sa dugo at pawis ng mga mamamayang Pilipino.

“Ang masasabi ko lang diyan, very consistent ang OVP sa ganyang klase, parang suki ng COA adverse findings,” bulalas ni Barbers.

“They (OVP) really have to explain. I’m sure they’ll be given enough and sufficient time to answer these adverse findings of the COA,” dugtong ng dating kongresista.

Para kay Barbers, obligasyon ng mga opisyales sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan ilahad ang detalye kung paano at saan ginastos ang bawat pisong ipinagkatiwala ng mga sambayanan.

Ayon naman kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na kabilang din sa opisyal na tagapagsalita ng prosekusyon, maihahalintulad ang COA observation sa maling paggamit sa confidential funds ng OVP.

“May similarity sa pinag-usapan natin confidential funds dito sa impeachment court, though this is a separate case altogether,” aniya.

“Sino ang nag-benefit dito sa ayuda? Paano ka nag-release ng mga ayuda? Mukhang iyan ang lacking na mga documents,” dagdag ng mambabatas.

Kapuna-puna rin aniya ang “pattern” ng OVP sa paghawak ng pondo dahil sunud-sunod na red flag ng COA. 

“Nakikita natin, I think, the pattern is being established when there’s a sense of impunity—iyong glaring display of the mindset na nobody can actually call them out, that they are above the law,” pahayag pa niya.

Partikular na nasilip ng COA ang paggamit ng OVP sa 2025 Disaster Risk Reduction and Management Fund, na aabot sa kabuuang P168 million.

Nakapaloob dito ang walong mission orders para sa P84 million, na umanong hindi tinukoy ang target beneficiaries; ang 24 relief operations na aabot sa P39 million kung saan wala umanong documented approval ang actual welfare good distributions.

Kulang din umano sa supporting records ang P25.2 million in goods na ipinamahagi umano sa 33,980 beneficiaries at may nakita rin ang COA na pagkakaiba sa OVP situation reports at local-government validation reports para sa ginamit na P19.6 milyong pondo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *