NANAWAGAN si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ T. Go, chairperson of the Committee on Health and Demography, sa publiko na patuloy na magsuot ng face masks sa harap ng tumataas na bilang ng respiratory illnesses sa iba’t ibang panig ng mundo.
Binigyang-diin ni Go sa committee hearing noong Lunes na ang pagsusuot ng face mask ay makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng respiratory illnesses, tulad ng influenza, mycoplasma pneumonia (walking pneumonia) at COVID-19.
“As the chairman of the Committee on Health and Demography, I encourage everyone, especially high-risk individuals and those with comorbidities, to voluntarily wear face masks,” sabi pa ni Go.