SA hangarin tiyakin na wala maski isang sundalo ang makikibahagi sa napaulat na destabilization plot laban sa gobyerno, isinailalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusuri ang pension code ng mga retiradong opisyal ng militar.
Pag-amin ng AFP, may dalawang retiradong two-star generals ang tumatanggap ng P160,000 buwanang pensyon mula sa pamahalaan.
Gayunpaman, hindi kinumpirma ng pamunuan ng sandatahang lakas kung kabilang ang dalawang two-star generals sa mga nag-urong ng suporta sa kasalukuyang administrasyon.
“Kapag tumatanggap ng pensyon sa gobyerno it follows na dapat may pananagutan ka sa tinatanggap mo,” ayon kay Rear Admiral Roy Trinidad. (EDWIN MORENO)
