UMANI ng kabi-kabilang batikos ang Department Social Welfare and Development (DSWD) sa umano’y overpriced family food packs na ipinamahagi ng ahensya.

Sa isang video message, partikular na tinukoy ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kumakalat na Facebook post kung saan sinasabing nagkakahalaga lamang umano ng P628 ang halaga ng family food packs na binayaran sa halagang P1,503.84 — gamit ang buwis ng mga mamamayan.

Ayon kay Gatchalian, mali ang impormasyong kumakalat sa social media tungkol sa halaga ng mga pinamigay na family food pack, kasabay ng giit na P797.80 lang ang halaga ng mga delata, kape at bigas na laman ng kahon.

Paliwanag ng DSWD chief, ang P1,503.84 ay ang Approved Budget for the Contract (ABC) o pinakamataas na halagang inilaan para sa procurement at hindi ang aktuwal na halagang binayaran ng DSWD.

“Fake news yan… misinterpretation, misappreciation, fake news,” wika ng Kalihim sa isang panayam.

Aniya, dumadaan sa competitive bidding ang lahat ng produktong binibigay ng ahensya sa publiko. Pinipili rin umano ng ahensya ang supplier na may pinakamurang alok, batay na rin sa itinakdang technical specifications at requirements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *