Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PARA kay House Speaker Martin Romualdez, malaking bentahe ang paglagda ng Pilipinas sa makasaysayang Reciprocal Access Agreement (RAA) na hudyat ng pakikipag-alyansa sa karatig bansang Japan.
Sa isang pahayag, nanindigan si Romualdez na higit na angkop ang pinag-ibayong pagpapalakas ng defense cooperation ng dalawang bansa sa gitna na rin aniya ng kinakaharap na hamon sa rehiyon.
“The signing of the RAA signifies a crucial moment in Philippine-Japan relations, heralding a new era of strengthened defense cooperation amid evolving regional geopolitical challenges,” pahayag ng lider ng 300-plus-strong House of Representatives.
“The RAA highlights our shared commitment to regional stability and security, strengthening our defense capabilities, and reaffirming the Philippines’ strategic partnership with Japan,” dugtong ng Leyte solon.
Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa, pwede nang makibahagi ang Japan sa mga joint military exercises tulad ng “Balikatan” drills kasama ang mga sundalo ng Estados Unidos.
Si President Ferdinand Marcos Jr., kasama ang iba pang mataas na opisyal ng dalawang bansa ang silang sumaksi sa ceremonial signing ng RAA nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japanese Defense Minister Kihara Minoru sa Malacañang noong Lunes.
Ang RAA ay bunga na rin ng naging pangakong nabuo sa inaugural PH-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting nitong unang bahagi ng taon.
“This agreement reflects our shared values of peace, stability, and prosperity in the region,” aniya pa.
“It underscores the Philippines’ proactive approach in addressing security challenges and promoting a rules-based international order,” pagtatapos ni Romualdez.
