PUMALO na sa mahigit sa P1.9 bilyong halaga ang pinsala sa agrikultura dahil sa masamang panahon noong nakaraang linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC umabot sa P1,960,474,286.32 ang pagkawala ng produksyon o halaga ng pinsala na nakaapekto sa 66,989 na magsasaka at mangingisda.
Pinakamalaki ang pinsala sa Region 3, kung saan may naitalang P1,105,731,824.39 na pinsala sa agrikultura.
Samantala, ang tinatayang halaga ng pinsala sa imprastraktura ay nasa P9,499,410,993.514.
Ang mga apektadong lugar ay ang Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region, 4A, 4B, 5, 6 at 10.
