NO deal. Ito ang hayagang sagot ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian sa umano’y “power-sharing” na inalok umano ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Para kay Gatchalian, walang dahilan para sang-ayunan ang mungkahi ni Cayetano lalo pa’t malinaw naman aniya na siya ang nakaluklok na Senate President Pro Tempore at itinalaga rin bilang acting Senate President noong Hunyo 3 sa plenaryo ng Senado.
“So klaro po doon sino ang dinesignate at hinalal. Tayo po yun, isa lang. Kaya hindi po posible yung power-sharing dahil isang tao lang po ang hinalal,” wika ni Gatchalian sa isang panayam sa radyo.
Ayon pa kay Gatchalian, wala rin natanggap ang Senado o sinuman sa kanilang kampo ng anumang request mula sa Senado na humihingi ng komento sa petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng kanyang liderato.
“Wala pa kaming natatanggap eh, sa Supreme Court any request to comment or file or submit documents…wala pa kaming nakukuha,” dugtong ng senador.
Noong Hunyo 3, tinuloy ng 12 senador—kabilang si Gatchalian ang plenary session matapos makabuo ng quorum sa kabila ng pagboykot ng mga mambabatas na kaalyado ni Cayetano.
Dahil na rin sa tatlong magkasunod na araw na pagliban ni Cayetano, minabuti ng bagong mayorya ng magbuo ng bagong opisyal ng Senado at dito na nga itinalaga si Gatchalian bilang acting Senate President na kinilala naman ng Malacañang at ng House of Representatives.
Subalit giit ni Cayetano, siya pa rin ang Senate chief, kasabay ng giit na ilegal ang paghalal kay Gatchalian.
Nauna nang hiniling ni Cayetano ng pagpupulong sa kampo ni Cayetano para pag-usapan ang operasyon ng Senado at ang nalalapit na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
