
PARA kay Vice President Sara Duterte, napapanahon nang wakasan ang paghahari-harian ng prominenteng angkan.
Sa isang panayam, hayagang sinabi ni VP Sara na kanyang susuportahan ang panukalang batas na mahigpit na magbabawal sa political dynasty sa Pilipinas.
Pag-amin ng pangalawang pangulo, siya man ay mula sa iang prominenteng angkan na naghahari sa larangan ng pulitika sa katimugan ng bansa.
“Ako yung may pinakamalaki at solid ang kredibilidad to speak about political dynasty because I come from a political dynasty, so wala nang mas matindi pang expert sa political dynasty, ako yun,” wika ng bise-presidente.
“Susuportahan ko ba ang batas na anti-political dynasty? Yes. Kung bibigyan nila ako ng pagkakataon na sumulat, ako yung susulat. Ako yung pinakamagaling sa political dynasty,” dagdag pa niya.
Hindi man hayagan, kabilang sa puntirya ni VP Sara ang lumalawak na impluwensya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Luzon at ni House Speaker Martin Romualdez sa Visayas.