MATAPOS ang mahigit dalawang buwang pagtatago sa ibang bansa, inaasahan ang pagbabalik ngayong araw ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. na itinuturong utak sa likod ng mahabang talaan ng pamamaslang sa lalawigan ng Negros Oriental.
“He’s being put on alert so he can be secured so nothing can be said about his life being in danger because we don’t want anything to happen to him [as] we want him to face the charges properly,” ani Justice Secretary Crispin Remulla.
Kasabay na inaasahang pag-uwi sa Pilipinas ni Teves, ikinasa naman ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng patong-patong na kasong kriminal laban sa kongresista.
“The timing is perfect because the charges will be filed already and there will be no waste of time. I hope he comes home,” wika ng Kalihim, kasabay ng garantiya ng seguridad sa mambabatas.
Paglilinaw ng DOJ chief, hindi dadakpin si Teves hanggat walang lumalabas na mandamiento de arresto ang husgado.
Hindi naman nilinaw ni Remulla kung iko-kustodiya ang kongresistang aniya’y pwede naman umuwi na lang sa alinman sa kanyang mga tahanan.
“Teves can be in Timor-Leste or another country, but I think it will be in Timor-Leste. I think that the countries through which he can enter are already very limited considering that he’s already on Interpol notice and it’s already known in ASEAN that he’s a subject of designation as a terrorist. So things have become more difficult, I suppose.”