
INIHAYAG ni dating pangulo Rodrigo Duterte na posibleng bumalik siya sa politika at tumakbo bilang bise presidente o senador sakaling mapatalsik sa posisyon si Vice President Sara Duterte.
“Kapag ginawa ninyo ‘yan, babalik ako sa politika,” sabi nito sa Gikan sa Masa Para sa Masa.
“It’s either I run for Senator or I will run for Vice President maski matanda na ako. Kung si Inday, ang mag president okay lang. Simple lang naman ‘yan,” sabi pa nito.
Ito ay matapos kuwestiyunin ni Duterte ang mga nasa likod ng tangkang pagpapatalsik kay VP Sara.
Sinabi nito na bago pa man ang impeachment, tinatanong na ang tungkol sa intelligence fund nito.
“You cannot go to a guessing game, basta na lang i-impeach. For what? Intelligence fund? Binigay sa iyo eh, bakit ibigay sa akin kung di ko gastusin?” ayon pa sa dating pangulo.
Ayon pa kay Duterte, hindi na kailangang mangamba ang ibang pulitiko sa kanya sa ngayon subalit posible umanong matuloy ang kanyang plano kahit pa retirado na ito.
“When I begin to talk— election is just around the corner— talagang magkababuyan. I do not lose anything, I’m retired,” ayon pa rito.