TUMAAS na ang presyo ng mahigit sa 150 Christmas product lines mula kumpara noong nakaraang taon.
Ito ay ayon sa inilabas na listahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Noche Buena Price Guide.
Sa Noche Buena Price Guide ay nasa 152 sa 240 product lines ang nagtaas ng presyo, bilang suhestiyon ng ng manufacturers sa retailers, epektibo hanggang December 31, 2023.
Kabilang sa mga ito ang ham, fruit cocktail, cheese, keso de bola, mayonnaise, all-purpose cream, sandwich spread, pasta/spaghetti, spaghetti sauce, elbow macaroni, tomato sauce, at salad macaroni.
Sa kalatas, sinabi ng DTI sa mga consumers na piliin ang mura at de kalidad na produkto bago bilhin.