
Ni Romeo Allan Butuyan II
LIMANG kongresista ang nagkakaisang naghain ng House Resolution 1421 na nagsusulong ng sabayang joint patrol sa West Philippine Sea ng Pilipinas at apat na kaalyadong bansa
Partikular na tinukoy ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang pagpapatrolya ng mga sasakyang dagat ng Pilipinas, kasama ang pwersa ng Estados Unidos, Australia, Japan at South Korea na karagatang inaangkin ng China.
Hinikayat din ni Tulfo ang pamahalaan para maglaan ng pondong pambili ng mga makabago at mas mabilis na barko sa layuning palakasin ang maritime security capability ng military at coast guard.
Sa nasabing resolusyon, na nilagdaan ng naturang ranking House official, kasama sina ACT-CIS Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, hangad ng mga mambabatas kumbinsihin ang mga strong military allies ng Pilipinas na maging bahagi sa pagpapanatili ng kaayusan sa WPS sa bisa ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon kay Tulfo, ang pagsusumite nila ng HR 1421 ay bunsod na rin ng serye ng pambabarako ng China na aniya’y malinaw na pagbalewala sa karapatan ng Pilipinas sa territorial waters batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
“If we allow this violation of our territorial integrity to continue, we will one day find the Chinese on our shores, and they will claim that they have a historical right over not only one part, but, God forbid, all of the Philippine archipelago,” dagdag pa ng House Deputy Majority Leader.
Samanatala, hinimok din ng kongresista ang pamahalaan na mag-invest sa mas mabilis na mga barko para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at para na rin makasabay ang Pilipas sa paglalatag na epektibong pagbabantay sa WPS.
Kasabay nito, naghain ng resolusyon si Tulfo at apat pang mambabatas na nananawagan sa gobyerno na payagan ang Estados Unidos at iba pang mga kaalyadong bansa na mabigyan ng access sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para makatulong sa atin sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isinagawang pagdinig House Special Committee on West Philippine Sea kamakailan, binigyan-diin ni Tulfo sa National Task Force for the WPS, kabilang ang Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) na kinakailangan ang pagkakaroon ng moderno at mabilis na mga barko.
“Gaano po kabilis ang sasakyan natin? How fast is it? Talagang aabutan kayo kung ang takbo nyo lang ay five knots tapos sila ay nasa 20 knots talagang maabutan kayo. The Chinese Coast Guard is toying with you. In short, pinaglalaruan po tayo, pino-propvoke po tayo. And we have been very patient in the past months or a year or two,” bulalas pa ng mambabatas,
Aminado naman si PCG Commodore Jay Tristan Tarriela na ang kanilang 44-meter vessel ay kayang tumakbo ng 22-25 knots.
“However, since our primary mission is to provide escort to the chartered boat we have to adjust our slow speed so that we can able to phase our chartered boat,” sabi pa niya.