Ni Estong Reyes
Mistulang kinalampag ni Senador Grace Poe ang Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte na mag-ingat sa paghahatid ng suplay ng gatas sa feeding program upang maiwasan na mapanis ang produkto.
Sa deliberasyon ng badyet ng DepEd, sinabi ni Poe na kailangan mahigpit na pag-ingatan ng ahensiya ang pag-iimbak at delivery ng gatas dahil madaling mapanis ang produkto kapag hindi maayos ang handling nito.
“Pag-ingatan natin ang handling at delivery dahil madaling mapanis ang gatas,” ayon kay Poe sa budget deliberation ng Department of Education, na nagpapatupad ng school-based feeding program.
“Milk can really fill up the stomachs of our children. If they regularly drink milk, they no longer need many supplements. We have to make sure they get only the fresh packs,” giit niya.
Si Poe ang pangunahing awtor ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act n nagpapatupad ng school-based feeding program (SBFP) para sa undernourished children mula kindergarten hanggang Grade 6.
Binibigyan ang mag-aaral ng deworming tablets at pinakakain ng kahit isang fortified meal at micronutrient doses sa pills, capsules o syrups na aaabot sa 120 araw sa bawat school year.
Para sa school year 2023-2024, tinutudla g DepEd na sakupin ang 1.6 million learners bilang beneficiaries na nakapaglaan ng P11 bilyon sa panukala upang maipagpatuloy ang programa.
Hinikayat din ni Poe ang DepEd at iba pang implementing agencies na palakasin ang tie-up sa local dairy farmers para sa sapat na suplay ng gatas sa ating mag-aaral.
Base sa datos, 87.4 porsiyento ng pangangailangan ngmag-aaral parasa SBFP ay binili sa lokal na pamilihan nitong 2023, at commercial ang natitira.
“I hope the local sourcing will increase, if possible, to 100 percent so our farmers will not have to worry about finding a source where they can sell their milk,” ayon kay Poe.
Sinabi ni Poe na tinitiyak sa bagong badyet na mabibigyan ng sariwa at masustansiyang pagkain ang mga benepisaryong bansot at severely wasted.
Ibinahagi din ni Poe ang kuwento ng isang residente sa Bicol na kung paano naging malusog na batas ang kanyang mga kapatid dulot ng feeding program.
“May impact talaga ang program dahil diretsong napupunta sa mga bata ang gatas at pagkain,” ayon kay Poe.
“The school feeding program is an investment for the future, so we have to keep it organized,” dagdag niya.