HIGIT na angkop buksan ng pamahalaan ang mekanismong nagbibigay pahintulot sa mga ordinaryong Pilipino na silipin, kilatisin at alamin kung sino sa hanay ng mga nasa pwesto ang biglang yaman sa panahon ng panunungkulan.
Sa isang kalatas, kinumpirma ni Ombudsman Crispin Remulla na tuluyan nang binuksan sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga politiko at iba pang opisyales sa gobyerno sa bisa ng “simplement panuntunan” na inilabas ng kanyang tanggapan.
Giit ni Remulla, karapatang malaman ng mga mamamayan kung saan at paano nakukuha ng mga nasa gobyerno ang tinatamasang yaman habang nasa kapangyarihan.
“Transparency in this area is not a slogan—it is a safeguard against corruption and a deterrent to abuse of power,” ayon kay Remulla.
“As the Ombudsman has emphasized, transparency is the name of the game. At a time when trust in institutions is tested, the best way to rebuild confidence is through openness backed by concrete access to information,” dagdag pa niya.
Nanawagan din si Remulla sa lahat ng ahensya ng gobyerno na may opisyal na kopya ng mga SALN tulad ng Civil Service Commission, Office of the President, Congress, hudikatura, at mga lokal na pamahalaan, na iayon ang kanilang mga patakaran sa nasabing polisiya.
“Consistency across institutions is key; selective transparency only breeds suspicion,” saad ng Ombudsman. “This step is not about politics—it is about accountability. The public deserves proof, not promises, that integrity still has a place in public service.”
