UPANG matiyak ang implementasyon ng full reintegration ng mga dating rebelde sa kani-kanilang komunidad, iginiit ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na bigyan ng sapat na budgetary support ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at ang National Amnesty Commission (NAC).
Sa plenary deliberation ng senado kaugnay ng proposed P6.352 trillion 2025 national budget, binigyang-diin ni dela Rosa ang kahalagahan tugunan ang pangangailangan ng pondo ng mga nabanggit na ahensya.
Sa ilalim ng Senate version ng 2025 General Appropriations Bill (GAB), ang OPAPRU ay bibigyan ng P7.094 billion kung saan mahigit sa P5 billion ang gagamitin para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) projects.
Bagama’t may ilang ang pumupuna sa umano’y overlapping ng PAMANA sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC), ipinaliwanag naman ni Dela Rosa kailangan pa ring tugunan ang budget para sa maayos na mga programa ng OPAPRU, kabilang ang pagpapagawa ng infrastructure projects na pamamahalaan ng nakakasakop na lokal na pamahalaan.
Kumpara sa NTF-ELCAC BDP na para lamang sa former New People’s Army (NPA) rebel, mas malawak aniya ang saklaw ng programa ng PAMANA — lahat ng ex-combatants mula sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Ayon kay Dela Rosa, na siyang tumayong budget sponsor of the OPAPRU, sakop ng programa ng huli ang social protection projects, roads and bridges, water supply systems, flood control systems, evacuation centers, at fish ports sa 13 regions, 31 provinces at 38 munisipalidad.
Tiniyak ni Dela Rosa sa mga kapwa niya senador na maayos na pinamamahalaan ng OPAPRU ang pondo para sa PAMANA infrastructure projects. Kapansin-pansin din aniya ang 90.15% disbursement rate na swak sa pagsusuri ng Commission on Audit.
Ang OPAPRU ay nakatanggap din ng pagkilala sa P50,000 per year educational assistance para sa mga anak ng decommissioned MILF combatants sa Marawi City at nagpapagawa rin ng mahigit sa 200 modified shelter units para sa ex-militants ng MNLF.
Para aniya magtagumpay ang reintegration ng mga dating rebelder, dapat aniyang pagtibayin ng Kongreso ang panukalang P144.383 budget sa 2025 ng NAC.
“We are optimistic that we will reach our target with the caveat that the 10 additional local amnesty boards will be established as soon as possible,” ani Dela Rosa.
“We are expecting, with the 2-year [application period], around 40,000 decommissioned combatants from MILF, 2,000 from MNLF, 1,200 from RPA-ABB, 39,000 plus from CPP-NPA-NDF,” dagdag pa niya. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
