TIWALA ang House prosecution panel na mananaig ang ebidensya sa paglilitis ng Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Bicol Sara partylist Rep. Terry Ridon, malakas ang mga ebidensya at testimonyang ipinrisinta ng House prosecution panel, taliwas sa umano’y pagkatig ng mga senator-judges na sinasabing kaalyado ng administrasyon.
Ginawa ni Ridon ang pahayag bilang tugon sa tanong kung nababahala ba ang panig ng tagausig sa tila pagiging bias umano ng ilang senator-judges.
“Hindi naman… syempre, yung perceptions of bias, subjective naman yun eh, to be honest. But ang totoo po, we have greatest trust in the evidence that we are presenting,” wika ng mambabatas nba miyembro ng House prosecution panel.
“Whether or not there are perceptions of bias, tingin ko naman po lilitaw pa rin ang katotohanan mula sa aming mga ebidensya. So, yun ang sinasandigan namin hanggang sa dulo ng paglilitis.”
