PARA sa abogado ng naulilang pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga, hindi malayong ipadampo ng International Criminal Court (ICC) si Senador Bato dela Rosa habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa kalusugan ni former President Rodrigo Duterte.
Gayunpaman, nilinaw ni ICC-accredited Assistant to Counsel Kristina Conti, na maglalabas lang ng mandamiento de arresto ang ICC kung hihiling ang prosecution panel.
“This issue could actually proceed independently of a warrant of arrest against Bato or others, because at this point, the prosecution is just sitting around and waiting for results,” wika ni Conti.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang ICC sa mga health experts tungkol sa kondisyon ng kalusugan ni Duterte. Partikular na titimbangin ang usapin kung kakayanin ng dating pangulo humarap sa paglilitis.
Base sa pinakahuling balita, natanggap na rin ng tribunal ang resulta ng pagsusuri kay Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague kaugnay ng kasong crimes against humanity na iniuugnay sa giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan bilang pangulo.
Si Dela Rosa, ang hepe ng Philippine National Police (PNP) at nanguna sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“The prosecution has already built up a case against Bato Dela Rosa at the least. Bato’s name even appears in the documents containing the charges,” paglalahad ni Conti.
Pag-amin ni Conti, hindi magiging madali ang pag-aresto kay Dela Rosa. (ESTONG REYES)
