PIHADONG batid na ni Vice President Sara Duterte ang pagtatapos ng karera sa politika matapos ilaglag ng mga sariling tauhan na kanya umanong nais isakripisyo para makaiwas sa bulilyaso.

Sa isang kalatas, nilinaw ni Kabataan partylist Rep. Renee Co na tumatayong tagapagsalita ng House prosecution panel na hindi ang lupon ng tagausig ang dapat sisihin, lalo pa’t pinili umano ni Duterte gumawa ng drama para magmukhang inosente sa mata ng publiko.

Ayon kay Co, mismong ang dalawang tauhan ng bise presidente ang nagdiin sa pangalawang pangulo sa alegasyon ng maling paggamit ng P612.5 million confidential funds.

“Crying about being called the ‘mastermind of a scam’ is her newest attempt at redirecting the public’s attention,” wika ni Co.

“Sariling mga tauhan ni Sara ang nagdiin sa kanya bilang may alam at may authorization sa lahat ng mga irregular at maanomalyang aksyon kaugnay ng disbursement, utilization at reporting ng confidential funds,” dugtong ng militanteng kongresista. 

“Sarili niyang mga tauhan ang naglaglag sa kanya. Ang testimonya nila ang nagtuturo na siya ang may kinalaman sa buong operasyon at iskema ng pag-request at paggamit ng confidential funds,” aniya pa.

“VP Sara claims that the prosecution is resorting to political theatrics, yet she herself resorts to theatrics and endless drama to appear innocent in the eyes of the public. Not only is she the mastermind of a corruption scheme, but she is an expert in evading accountability.” 

Ayon pa House trial spokesperson, ang malakas na mga ebidensya at maging ang mga testimonyang naiprisinta ng prosekusyon bilang patunay sa pagkakaroon ng pananagutan ni Duterte sa maling paggamit sa milyon-milyong confidential funds sa tanggapang kanya mismong pinamamahalaan.

Ang panibagong litanya ng bise presidente, ani Co, ay tulad lamang din ng mga unang pahayag na paglilihis sa isyu, pag-iwas na sagutin ang mga kinakaharap na impeachment charges at magpa-awa sa taumbayan.

“Hindi malulutas ang problema ng korapsyon kung hindi mapapanagot ang bise presidente. Hindi pwedeng tingin niya ay hindi sya pwedeng panagutin sa kanyang mga nagawa, dahil lamang sinasabi niya na may iba pang korap na opisyal sa gobyerno. That’s not justice, that’s evasion.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *