
WALANG kusang-palo. Ganito ang paglalarawan ng isang kongresista sa aniya’y matamlay na tugon ng TikTok social media platform laban sa paglaganap ng “fake news.”
Puna ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, kumikilos lang TikTok sa tuwing napupuna.
Panawagan ni Gutierrez, magpatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpo-post ng mga maling impormasyon para hindi na lumaganap.
Partikular na ikinadismaya ng neophyte solon ang paglabas sa TikTok ng impormasyong nagsasabing ang Palawan ay dating pagmamay-ari at pinamamahalaan ng China.
“Pag-aari daw ng China ang Palawan?!” bulalas ni Gutierrez patungkol sa kumakalat na social media post.
“While we laud the attempts at the measures being taken by TikTok in relation to this and we appreciate the numbers that are being put forward – one issue that we have really is that anecdotally that doesn’t seem to be the case,” paglalahad pa ng 1-Rider partylist solon.
“For example, when we talk about fake news in relation to China, when we see one video posted and it has been reported, we would see the same video posted by a different person,” dugtong ni Gutierrez.
Giit ni Gutierrez, pawang ‘reactionary’ lang ang tugon ng TikTok sa fake news o kumikilos lamang sa tuwing may pumupuna sa maling content sa halip na gumawa ng hakbang para hindi na kumalat pa.
Sabi pa ng mambabatas, hindi siya kumbinsido at hindi epektibong napigil ng TikTok ang viral post na aniya’y pawang kasinungalingan.
“It tends to be that once there is a narrative being taken by certain bad actors in relation to fake news and it’s posted and they take it down, they just post it through another user,” ani Gutierrez.
Sa nakaraang pagdinig sa Kamara, tinalakay ang isyu ng mapanlinlang na content sa TikTok,
“This is a new kind of propaganda,” tugon dito ni PCG Commodore Jay Tarriela kasabay nang pagtiyak na itatama ito ng pamahalaan. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)