
TINIYAK ni House Speaker Martin Romualdez ang patuloy na pagtaguyod sa kapakanan ng mga opisyal ng bawat barangay sa bisa ng mga panukalang magpapalakas sa mandato para tugunan ang panhangailangan ng nasasakupan.
Sa harap ng mga kasapi ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter, tahasang sinabi ni Romualdez na sa ilalim ng kanilang liderato ay hindi pagbabayaan ng Kamara ang mga naglilingkod sa barangay.
“The House of Representatives, under my leadership, is committed to giving barangay officials the dignity and support you deserve. Hindi namin kayo pababayaan, dahil hindi niyo rin kami iniwan,” pahayag ng lider ng Kamara.
“We will continue pushing for laws that recognize your sacrifices, secure your future, and strengthen your capacity to lead,” dagdag niya.
Ayon kay Romualdez, ang mga barangay officials ay ang “backbone of our nation’s governance.”
“In every crisis, in every challenge, in every moment of need, you are the first to respond. Kayo ang unang tinatakbuhan ng tao, kayo rin ang unang sumasalo sa problema. That is why ensuring your strength, security, and stability is not just a commitment—it is a duty,” diin pa ng Leyte solon.
Kinikilala rin umano ng buong Kamara ang mabigat na hamon sa tungkulin ng barangay officials, lalo pa’t sila aniya ang humaharap sa bawat problemang dumarating sa kani-kanilang nasasakupan tulad ng disaster response, law enforcement, financial management, at social welfare issues.
“That is why we in Congress continue to fight for measures that uplift barangay officials, ensuring that you are given the resources, recognition, and respect you deserve,” he said, adding that rendering service without proper support is an injustice.”
Tinukoy ni Romualdez ang mga legislative measures na isinulong ng Kamara na direktang nakatuon sa pagpapabuti sa hanay ng mga opisyal ng barangay — kabilang ang House Bill 11287 na nagtutulak palawigin ang termino ng barangay officials hanggang anim na taon.
Gayundin ang pagkakaroon ng Social Security System (SSS) coverage ng mga barangay official kung saan sila ay makatatanggap ng life insurance, disability benefits, at lifetime pension.
Sa Magna Carta for Barangays, layon naman magbigay ng “salaries and benefits” na katumbas ng government employees ang mga nanunungkulan sa barangay, at pagbibigay ng health insurance at scholarships para sa kanila.
Garantiya ng lider-kongresista, titiyakin ng Kamara na may nakalaang pondo para sa implementasyon ng mga “community-based programs” ng barangay.
Samantala, pinuri naman ni Romualdez ang Liga ng mga Barangay Tacloban Chapter sa mahusay sa pag-organisa ng training program.
“This four-day training program is not just about learning—it is about preparing, strengthening, and securing the future of our communities. Ang barangay na handa, bayan ang panalo,” sabi pa niya.
“Let us continue working together for a Bagong Pilipinas—where every barangay is strong, every leader is supported, and every community is thriving.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)